Philippine Rizalian Chess Club

62 membros
23 de ago. de 2015
958 Eventos Jogados

Ito ang kapisanan ng Bayani!

Itong kapisanan ay itinayo bilang pagpupugay sa ating pambansang bayani, si Gat José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (mas kilala sa pangalang Dr. Jose Rizal o Ka Pepe sa kanyang henerasyon).  Si Jose P. Rizal(19 Hunyo 1861—30 Disyembre 1896) ay lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. Alam naman natin ang angking talino na mayroon si Pepe, ang pagkahilig niya sa sining sa murang edad. Sinasabi ang laro ng chess ay isang "art", naisip ko kung naglaro kaya si Pepe ng chess, siguro talo pa niya ang mga batikang manlalaro at kilala sa larangan ng chess, kayo ano sa palagay nyo? Kaya sama-sama nating isulong ang pagkabayani ni Pepe sa larong kinahihiligan nating lahat!

Sulong Philippine Rizalian Chess Club!

Ang kapisanan na ito at dating tahanan ng mga pilipinong manlalaro ng ahedres sa temang "daily chess".  Dahil sa dami ng kapisanan dito sa chess.com na may temang pinoy, ang mga tao ay walang permanenteng kapisanan na maaring tangkiling tapat.  At dahil na rin sa pulitika at kawalang pagpapakumbaba sa isat-isa, walang kapisanan dito sa chess.com ang handang ipagsangtabi ang mga sarili alang-alang sa pagpapanatili ng iisang kapisanan ng mga Filipino dito sa kompanyang ito.

Dahil na rin sa kakulangan ng katatagan ng mga namumuno maraming mga kasapinan ang tumamlay at dumalang ang mga aktibidad.  Dahilan upang ito ay hindi na tangkilikin ng mga manlalaro.  Ang kapisanang ito ay isa sa mga naging biktima ng sistemang ito.

Bilang tagapagmana ng grupong ito pagkatapos iwanan ng mga ledarato sa mahabang panahon, naisip kong itong gawin eksklusibong kapisanan para isang dakilang pakay.  Itong kapisanang ito ay gagawing dausan ng mga mahahalagang torneyo para sa grupo nating "The Philippine Live Chess" at iba pang kapisanan na gustong gumamit nito.

Mga kasalukuyang torneyo na idinaraos:
Weekly Grand Prix Finals by TPLC

Mahalagang Pulisiya:  Ang paggamit ng makinarya upang matukoy ang tamang tira ay mahigpit na ipinagbabawal